Sa Lumang Kamera

Nakabili ng Analog camera na Agfa Optima Censor 200 sa isang thrift shop. Disenyo ng Schlagheck & Schultes noong 1968. Pinasukan ko ng Ektar 100 at pumitik-pitik. Nahirapan ako mag-rewind pagkatapos. Kailangan ko pang i-google kung pa'no.

Papunta ako ngayon sa malapit na Photo Studio kung saan ko binili ang film. Ipapa-develop ko ang negative. Excited na makita ang mga litrato.

Ang sabi ay 1 week ang kailangan para ma-develop ang film. Post ko rito ang mga litrato.

Dalawang negative ang binili ko. Pangalawa ay ang Kodak Gold 200. Hindi ko alam na 24 shots lang pala ito, hindi kagaya ng Ektar na 36. Hintayin ko muna ang develop ng Ektar bago ko ipa-develop ang Gold. Kahit 200 ang Agfa camera ay hanggang 160 lang ang ISO settings nito. In'adjust ko sa 160 ang camera. Sana okay ang exposure ng light dahil kinakabahan ako na gamit na film ay 200.

February 28, nakuha ko ang mga litrato mula sa unang film na nagamit. Natuwa ako at kinilig. Ibang-iba talaga ang itsura kapag film ang gamit kesa digital. Kita mo ang dimension, hindi manipis ang mga linya at buhay ang mga object. Satisfied ako sa resulta.

I-click mo ang litrato para makita mo ang mga kuha gamit ang Ektar 100:

Sa ngayon ay hinihintay ko ang resulta ng Gold 200. Update ko kayo dito.

Previous
Previous

Book Presentation

Next
Next

Lunsad Aklat: Ausländer