Wir kommen von den Philippinen (Mula kami sa Pilipinas)
Official entry and finalist at the DokyuBata Film Festival 2026Sa wakas ay nailuwal na rin ang pinagtrabahuan namin dalawa ni Valentino Nool jr. na mapapanood sa www.juanflix.com.ph mula 9 hanggang 11 ng Nobyembre.
Puwede niyo rin iboto ang aming dokyu para sa Audience Choice Awards.
Ito nga pala ang steps para mapanood ang dokyu sa JuanFlix:
May dalawang paraan ang pagboto ng Audience Choice Awards.
Via Posters (20%)
1️⃣Hanapin ang poster ng paboritong dokyu (pindutin ang link ng aming poster)
2️⃣Gamitin ang reaction button;
3️⃣I-share
Via Google Form (80%)
1️⃣Panoorin ang mga dokyu mula Nobyembre 9-11, 2026 sa JunaFlix:The FDCP Channel.
2️⃣Huwag kalimutang bumoto sa google form link ng Audience Choice Award. Ang isang account ay maaaring bumoto ng isang dokumentaryo sa bawat dibisyon (One vote per division).
Ang malilikom na boto ay bubuo ng 80% ng kategoryang it.
Ito ang unang dokyu project namin ni Valentino Nool Jr. kaya please suportahan niyo at panoorin. Salamat! 🙏🏻🙏🏻🙏🏻