Lunsad Aklat: Ausländer

Mga kaganapan sa booklaunch ng Ausländer.

Pebrero 25, 2024.

     Noong 2018, naganap ang lunsad aklat ng Queue sa isang coffeeshop. Sa kapehan din naganap ang Ako at ang Panahon noong 2019. Ang Ausländer hindi nangyari sa kapehan kundi sa aming munting tirahan sa Düsseldorf. Mas intimate dahil yung mga bisita kasama sa kuwento, yung ilang kuwento pinagkukuwentuhan lang namin tuwing salusalo, ngayon nakasulat na mismo sa libro.

      Kung ako lang talaga, ay ayoko ng booklaunch kaso palaging tinutulak ng mga kaibigan na dapat magkaroon dahil parang anak din ang libro kailangan may selebrasyon.

Queue:100 Dagling BPO, 2018
Ako at ang Panahon ATBPng Hindi Ma-chika sa Personal, 2019

    Ausländer is not just a story about Filipino family in Germany, or a story of medical workers, or OFW’s, or Caregivers, or being a Migrant, Filipino diaspora, this book is also a reminder that Filipinos, we, we are artist, photographers, painters, singers, dancers, actors, writers, story tellers, poet, a critic, thinker, philosopher, observer, just like Rizal and other Illustrados who left the country to try their luck, just like us, palaging nakikipagsapalaran.

     Sa malayo man o sa malapit, ay palagi tayong naghahanap ng mga piraso ng ating bayan. Huwag tayong magsawa sa paghahanap.

Previous
Previous

Sa Lumang Kamera